^

Probinsiya

Barko nasunog: 3 sugatan, 544 pasahero, crew ligtas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang iniulat na nasugatan habang nasa ligtas namang kalagayan ang 544 pasahero at tripulante matapos na masunog ang sinasakyang pampasaherong barko nang dumaong ito sa pier ng Ormoc City, Leyte kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Lt. Jim Aris Alagao, Public Affairs Officer ng AFP-Central Command, dakong alas-4:20 ng umaga nang masunog ang barkong M/V Wonderful Star na kadadaong lamang sa pantalan.

Agad namang nagres­ponde  ang mga elemento ng Army’s 802nd Infantry Brigade, Philippine Coast Guard (PCG) 8 at Office of Civil Defense (OCD) 8 upang magsagawa ng search and rescue operations.

Sa inisyal na imbestigas­yon, nabatid na ang sunog ay nagmula sa cargo handling area sa may cabin ng mga crew ng barko at mabuti na lamang at nagsisibaba na ang mga pasahero ng mang­yari ang insidente.

Napansin umano ng mga nagsisibabang pasahero ang makapal na itim na usok  na nagmumula sa cargo hand­ling area ng barko kaya nagtakbuhan na ang mga ito sa hagdanan  at tulay  sa may  pier para makalayo sa lugar.

Nabatid na ang M/V Wonderful Stars ay pag-aari ng Roble Shipping Lines na nakabase sa Cebu City.

Magugunita na noong Hulyo ay lumubog rin ang ferry boat na M/B Kim Nirvana sa karagatan ng Ormoc City  na kaalis lamang sa pier at patungong Camotes Island, Cebu na ikinasawi ng 61 katao.

ACIRC

ANG

B KIM NIRVANA

CAMOTES ISLAND

CEBU CITY

CENTRAL COMMAND

INFANTRY BRIGADE

JIM ARIS ALAGAO

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

ORMOC CITY

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with