P25-M truck sinunog ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Aabot sa P25 milyong halaga ng trailer truck ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang hindi makapagbigay ng revolutionary tax ang may-ari ng pribadong kompanya sa Sitio Sumingit, Barangay Bugao sa bayan ng Bagamanoc, Catanduanes kamalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola, sinamantala ng mga rebelde na tumirik ang trailer truck na minaneho ni Floredel Alforque ilang metro ang layo sa project site ng construction company na pag-aari ni Engr. Fernando Caburao ng Baguio City. Pagbalik ng driver sa kinaroroonan ng truck ay namataan nitong sunog na ang sasakyan at nawawala ang iniwan niyang bantay na si Adong. Pinaniniwalaang may kaugnayan sa revolutionary tax na hinihingi ng mga rebelde sa may-ari ng contruction company na patuloy namang tumatangging magbigay.

Show comments