Nene pinilahan ng 3-manyakis

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang dalawa sa tatlong kalalakihan na mga lango sa alak matapos itong masakote ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa pang­hahalay sa 13-anyos sa Brgy. Santol, bayan ng Ba­lagtas, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Francisco Tupas, 52; at Henry Puhila, 52, habang tinutugis naman ang isa pang suspek na alyas Jimmy, pawang nakatira sa Northville 6 sa nasabing bayan.

Kasalukuyang nasa pa­ngangalaga ng lokal na sangay ng DSWD para sumailalim sa stress debriefing ang biktimang itinago sa pangalang Joy at residente rin sa nabanggit na barangay. Sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Voltaire Rivera, inutusan ang biktima ng kanyang nakatatandang kapatid na ihatid ang nalikom na ka­ning baboy sa bahay ni Tupas. Nang makarating ang biktima sa bahay ni Tupas ay inabutan ang tatlong suspek na nag-iinuman ng alak kung saan naganap ang panghahalay.

Nakatakas ang biktima matapos makatulog ang mga suspek kaya nagsumbong ito sa mga magulang.

Show comments