2 ‘rapist’ natimbog

CAMARINES NORTE, Philippines - Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang akusado sa panghahalay matapos ang matagal na pagtatago sa magkahiwalay na operasyon sa lalawigan kamakalawa. Dakong alas-7:30 ng umaga nang maaresto sa Brgy. Dayangdang, Naga City mula sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rogelio Dacara ng 5th judicial Region – Iriga City  ang inakusahan ng rape na si Richard “Non-Non” Barlin, 29-anyos, binata, ng Brgy. San Vicente, Baao, Camarines Sur. Bandang 12:05 ng tanghali nang sumunod na nadakip sa bayan ng Calabanga ang suspek na si Ramon Belasa, 49-anyos, may-asawa ng Zone 3, Brgy Binaliw, Calabanga, nasabi ring lalawigan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Pedro Redoña ng RTC Branch 63-Calabanga. Ang dalawang akusado ay kapwa walang piyansa na inirekomenda ng korte sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Show comments