Manager ng STL nilikida ng tandem

QUEZON, Philippines  – Pinabulagta ang 53-anyos na branch manager ng STL- Infanta matapos itong tambangan ng riding-in- tandem gunmen sa panulukan ng General Luna at Don Diego Street sa Barangay Poblacion 39 sa bayan ng Infanta, Quezon kamakalawa ng hapon. Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktimang si Mavel Dane Manalo sakay ng kanyang motorsiklo nang ratratin ng mga di-kilalang lalaki na lulan din ng motorsiklo. Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang pamamaslang.

Show comments