8 bahay nilamon ng apoy

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines  – Pinaniniwalaang milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang walong kabahayan kabilang ang dalawang establisamento sa Purok 5, Barangay Poblacion sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Alex Balut, deputy chief of police, bukod sa walong kabahayan ay nasunog din ang isang tindahan, beauty parlor at barbershop. Kaagad namang naapula ang sunog matapos rumesponde ang mga fire volunteer at fire trucks mula sa ibat-ibang bayan. Wala namang nasugatan o namatay sa naganap na sunog habang patuloy ang imbestigasyon. Namahagi naman ng relief goods ang local na pamahalaan sa mga naapektuhan ng sunog.

 

 

 

 

 

 

                                                                                                                           

Show comments