TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 50-anyos na jailguard matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki dahil sa pananapak ng negosyanteng Bumbay sa loob ng videoke bar sa bisinidad ng Legarda Road sa Baguio City kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marcelo Dagtay Nacir na nakatalaga sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cordillera Regional Office at nakatira sa Irisan, Baguio City.?
Lumalabas sa imbestigasyon na kasama ng biktima ang pamangkin na nag-iinuman sa loob ng bar nang makaalitan nito at sapakin ang isa pang kustomer na si Vijay Vishindas Punjabi, 47, sinasabing prominenteng Bumbay sa nasabing lugar.?
Ayon sa police report, hindi na nanlaban si Punjabi at sa halip ay tumawag sa kanyang cellphone. ?
Sinabi ng mga nakasaksi na paglabas ng Bumbay ay pumasok ang hindi nakilalang gunman at pinutukan si Nacir sa ulo gamit ang cal. 9mm pistol saka mabilis na tumakas.?