Kabo ng jueteng, itinumba

LEGAZPI CITY , Albay, Philippines – Pinabulagta ang 48-anyos na kabo ng jueteng matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki habang papalabas ng pasugalan sa Renilisan St. Lakandula Drive sa Barangay Bonot, Legazpi City, Albay kahapon. Napuruhan sa ulo si Danilo Arcos, tumatayong kolektor ng jueteng operation at nakatira sa PNR Site, Peñaranda Street sa nabanggit na lungsod. Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Joselito Esico, Hepe ng Legazpi City PNP, papauwi na ang biktimang lulan ng motorsiklo mula sa bolahan ng jueteng nang harangin at ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan. Narekober sa crime scene ang motorsiklo ng biktima at mga bala ang cal. 45 pistol habang nangangalap naman ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa naganap na pagpatay sa biktima.

Show comments