TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nauwi sa duwelo ang masayang inuman ng magkakaibigan kung saan namatay ang isa habang dalawa naman ang kritikal sa naganap na kaguluhan sa harapan ng tindahan ng electronics sa Barangay Bangag, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. ?
Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Rafael Pagalilauan, hepe ng Aparri PNP, sumiklab ang mainitang pagtatalo ng mga manginginom na sina Virgilio Hipolito, Jonel Verason at Avelino Oliva Jr. 48 na may-ari ng tindahan na pinagdausan ng inuman dahil inungkat na matagal nang alitan.?
Binaril ni Oliva si Verason subalit hindi tinamaan kaya inundayan siya ng saksak at napatay. Inawat naman ni Hipolito ang dalawa subalit maging siya ay sinaksak ni Verason.?
Nagtamo rin ng saksak sa tiyan si Verason matapos itong makipagbuno kay Hipolito.Nahaharap sa kasong kriminal si Verason matapos itong arestuhin habang nakaratay sa pagamutan.