3 lunod sa beach resort
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang dalawang bata ang magkakasabay na sinalubong ni kamatayan makaraang maligo sa beach resort sa Barangay Alangan, bayan ng Magsingal, Ilocos Sur kamakalawa ng umaga. Sa ulat na isinumite kay P/Senior Insp. Jaime Laguesma, hepe ng Masingal PNP, magkakasamang naligo sa beach resort ang mga biktima gamit ang salbabida nang hampasin ng malaking alon kung saan inanod palayo sa dalampasigan. Dahil sa pawang hindi marunong lumangoy ay sunud-sunod na nalunod ang mga biktimang sina Maricar Tab, 9; Bea Tamargo, 10; at si Germinine Ascano, 21. Nasagip naman ang mga batang sina Jomar Alones, Angelo Tab, Irish Tab, Lea Alones, at si Princes Abigail Tamargo. Unang narekober ng rescue team ang bangkay ni Ascano habang natagpuan naman ang bangkay ng dalawang bata nang sumunod na araw.
- Latest