MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang dalawang NPA rebs ang napaslang habang anim naman ang nasugatan sa naganap na encounter sa liblib na bahagi ng Sitio Camarin, Barangay Napnapan sa bayan ng Pantukan, Compostela Valley kamakalawa. Lumilitaw na nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng Army’s 71st Infantry Battalion nang makasagupa ang grupo ng mga rebelde sa pamumuno ni Ka Maruz na sinasabing nangongolekta ng revolutionary tax sa mga kanugnog na barangay. Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan kung saan napatay ang dalawang rebelde na sinasabing inilibing ng kanilang mga kasamahan sa kagubatan. Napatay din ang isang sundalo na hindi muna pinangalanan dahil kailangan pang impormahan ang pamilya nito habang nagpapatuloy ang operasyon laban sa mga rebelde.