Anak pinagtataga ng ama, grabe

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ang 24-anyos na anak matapos itong pagtatagain ng sariling ama sa kanilang bahay sa Barangay Tumaras, bayan ng Kibawe, Bukidnon kamakalawa ng madaling araw. Patuloy na isinasalba ang buhay ni Juel Nardo sa Bukidnon Provincial Hospital habang nahaharap naman sa kasong frustrated parricide ang suspek na si Sergio Nardo, 51, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng Bukidnon PNP na isinumite sa Camp Crame, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama kaugnay sa matagal ng alitan sa kanilang pamilya. Gayon pa man, nairita ang suspek sa tinuran ng biktima kaya naganap ang pananaga.

Show comments