^

Probinsiya

Deputy commander ng BIFF timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasakote ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang deputy commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa isinagawang  operasyon sa Cotabato City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Harold Cabunoc ang nasakoteng suspek na si Abdulgani Esmael Pagao na  natunton sa pinagtataguan sa Campo Muslim, Brgy. Mother Bagua ng lungsod bandang alas-8:30 ng gabi.

Hindi na nakapalag ang suspek nang dakpin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Executive Judge Bansawan Ibrahim.

Nasamsam mula rito ang isang cal. 45 pistol at isang fragmentation grenade.

Inihayag ni Cabunoc na si Pagao ang ikalawang pinakamataas na lider ng BIFF na nasakote ng mga awtoridad simula ng ipatupad ang law enforcement operations laban sa BIFF sa Central Mindanao noong Pebrero 2015.

Samantalang ang  isa sa lider ng grupo na si Commander Bisaya ay napaslang sa bakbakan sa tropa ng militar sa Datu Unsay noong Marso 29.

ABDULGANI ESMAEL PAGAO

ANG

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CAMPO MUSLIM

CENTRAL MINDANAO

COMMANDER BISAYA

COTABATO CITY

DATU UNSAY

EXECUTIVE JUDGE BANSAWAN IBRAHIM

HAROLD CABUNOC

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with