CAMARINES NORTE, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang dalawa naman ang nasugatan makaraang magsalpukan ang multicab at motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Impig, bayan ng Sipocot, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi. Naisugod sa Sipocot District Hospital subalit idineklarang patay sina Jayson Barios, 20; at Abner Nasi habang sugatan naman sina Wilson Geres, Helen Abordo, 64; at si Alyssa Joy Subia, 11, mga nakatira sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Pinaniniwalaang nakaidlip ang isa sa driver kaya namatay ang lulan ng motorsiklo na sina Barios at Nasi.