MANILA, Philippines – Isang militiaman ng gobyero ang nasawi, habang dalawa ang sugatan matapos sumabog ang isang granada sa South Cotabato kahapon, ayon sa militar.
Nasawi sa pagsabog si Moreno Eding habang tinatanggal ang mga streamers ng New People's Army para sa kanilang ika-46 anibersaryo.
Nakilala ang mga sugatang kasama ni Eding na sina Dante Digdigan at Samuel Damucom.
Ayon sa mga ulat, bandang alas-7 ng umaga naganap ang pagsabog sa kahabaan ng national road sa bahagi ng Poblacion, T'boli, South Cotabato.
"Employing booby traps is an inhumane act and a clear violation of the International Humanitarian Law because the trap cannot choose its targets," pahayag ni Lt. Gen. Aurelio Baladad, Commander ng Eastern Mindanao Command.
"The device was not command-detonated, and could have easily victimized any individual or barangay folks passing along this public road. It only manifests their true nature as terrorists.”