P1.5-M klasrum naabo
NORTH COTABATO, Philippines - Aabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang tatlong klasrum ng Lika Central Elementary School sa bayan ng Mlang, North Cotabato kahapon ng tanghali. Sa panayam ng DXvl News Radyo ng Bayan kay FSI Jahzel Tumaog ng Bureau of Fire Protection, kabilang sa mga nasunog ay ang tatlong silid-aralan at isang H.E. na gusali ng nasabing paaralan. Wala naman iniulat na nasugatan o kaya namatay sa naganap na sunog. Pinaniniwalaang naiwan na appliances sa nasabing gusali kaya naganap ang sunog dahil sa sinasabing patuloy na kawalan ng kuryente sa nasabing lugar.
- Latest