P.3-M silid-aralan naabo
March 26, 2015 | 12:00am
CAMARINES NORTE, Philippines – Umaabot sa P.3 milyong halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy matapos masunog ang tatlong silid-aralan ng Cabangan Elementary School sa bayan ng Camalig, Albay kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Fire Officer 1 Jade Malto ng BFP – Camalig, dakong alas 6:25 ng gabi nang magsimulang kumalat ang apoy sa tatlong silid- aralan na yari lamang sa light materials. Naapula naman ang sunog dakong alas-7 ng gabi kung saan wala namang iniulat na nasugatan habang patuloy naman ang imbestigasyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
1 day ago
Recommended