Mag-ama inatado dahil sa mana

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Alitan sa mamana­hing lupa ang isa sa motibo kaya pinagtataga ng 38-anyos na magsasaka ang kanyang sariling kuya at pamangkin sa kanilang bahay sa liblib na Barangay Liuan, bayan ng Rizal, Cagayan kamakalawa. Ayon kay PO2 Bobby Lagua, kritikal na isinugod sa Cagayan Valley Medical Center ang mga biktimang sina Gilbert de Dios, 53; at Ambong de Dios, 22, habang nasakote naman ang suspek na si Mario de Dios.?Lumalabas sa imbestigasyon nagpakalango muna ang suspek bago kinompronta ang kanyang kuya at pamangkin kung saan nakapagsalita ito ng hindi maganda sa mag-ama.?

Nauwi sa pagtatalo ang komprontasyon hanggang sa maganap ang pananaga kung saan kaagad namang naaresto ng pulisya ang suspek.

Show comments