SUV vs jeepney: 2 dedo, 19 sugatan

CAVITE , Philippines - Dalawa-katao ang bumulagta habang labing-siyam naman ang sugatan makaraang magsalpukan ang isang SUV at pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay San Agustin 1, Dasmariñas City sa Cavite kamakalawa ng tanghali. Kinilala ng pulisya ang dalawang namatay na sina Amelia Punzalan at Haidee Farol na kapwa nakatira sa Sgt. Esguerra Street sa South Triangle, Diliman, Quezon City. Arestado naman ang mga drayber na sina Meliton Montenegro ng Lemery, Batangas; at Ivan Punzalan ng Meycauayan City, Bulacan. Sa ulat SPO3 Menard Mendoza, nag-counter flow ang puting SUV na may plakang TLI 692 matapos itong ma-traffic subalit nakasalpukan ang pampasaherong jeepney na may plakang DXR 626 minamaneho ni Montenegro. Napuruhan ang dalawang sakay ng SUV habang sugatan naman ang 19 pasahero ng jeepney.

 

Show comments