Fiscal sugatan sa pananambang

BULACAN, Philippines  – Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang 61-anyos na fiscal habang malubha naman ang kanyang kaanak na driver makaraang tambangan ng apat na armadong kalalakihan kahapon ng umaga sa Barangay Sta. Rita Matanda, bayan ng San Miguel, Bulacan. Nagtamo na tama ng bala sa magkabilang ibabang bahagi ng katawan si Fiscal Antonio Buan, prosecutor sa bayan ng San Jose Del Monte City habang isinasalba naman ang buhay ni Roberto Castillo, 51, ng Brgy. Sta. Rita Bata sa bayan ng San Miguel. Sa imbestigasyon ni PO2 Merwin Mendez, lulan ng Toyota Innova na may plakang SKW 402 si Fiscal Buan kasama ang anak na babae nang sundan at ratratin ng gunmen na lulan ng SUV. Pinaniniwalaang may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang naganap na pananambang.

 

Show comments