TUGUEGARAO CITY, Philippines – Umaabot sa mahigit P3.7 milyong halaga ng puno ng marijuana ang nasamsam at winasak ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera sa isinagawang magkakahiwalay na marijuana eradication operation sa bayan ng Tinglayan, Kalinga kamakalawa.
?Sa report na nakarating kay Kalinga Police Director Sr. Supt. Victor Wanchakan; 13,775 puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P2.7 milyon ang nadiskubre ng nga operatiba sa Sitio Balay, Brgy. Tulgao West.?
Samantalang sa Sitio Buscalan, Brgy. Butbut, Tinglayan mahigit 5,000 namang puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P1 milyon ang nasamsam ng mga awtoridad.
Wala namang naarestong personalidad sa operasyon matapos ang mga itong mabilis na makatakas.