Binata kinatay, 3 pa grabe

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines – Isang 24-anyos na binata ang nasawi habang tatlo pa nitong kaibigan ang grabeng na­sugatan makaraang pagsasaksakin ng hindi nakilalang mga kalalakihan na humarang sa mga ito sa national road, Brgy. Gogon, Virac, Catanduanes kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Eastern Bicol Medical Cen­ter ang biktimang si Erwin Lester, 24-anyos. Kasalukuyan namang ginagamot ang mga sugatang sina Gilbert Tejerero, 25; Ralph Estologo, 25; at Jan Anwar, 22-anyos; pawang ng bayang ito. Ayon kay Sr. Supt. Adel Castillo, Provincial Di­rector ng Catanduanes, dakong alas-12:40 ng madaling-araw habang ang mga biktima ay sakay sa motorsiklo patungo sa Catanduanes State University nang harangin at pagsasaksakin ng mga suspek na lulan ng dalawang motorsiklo. Inaalam pa ang motibo ng krimen.

Show comments