Senglot na bagong laya, nilikida

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Napaslang ang 24-anyos na bagong laya na sinasabing nakapagpiyansa sa kasong frustrated murder matapos itong ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa Sitio Tawo- Tawo, Barangay Mahayahay sa bayan ng Placer, Masbate kamakalawa ng gabi. Huling namataang buhay ang biktimang si Jacky Bultron na nakikipag-inuman sa kanyang kamag-anak sa Sitio Libo sa Barangay Daraga. Natagpuang patay ang biktima sa liblib na taniman ng niyog kung saan may mga tama ng bala ng baril sa katawan partikular na sa ulo. Sa impormasyon nakalap ng pulisya, may nakabinbing kaso ang biktima at pansamantalang nakalaya dahil sa nakapagpiyansa.

Show comments