Meter reader ng kooperatiba, itinumba

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang 46-anyos na meter reader ng Nueva Ecija Electric Cooperative 2 - Area 2 makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa tapat ng karinderya sa kahabaan ng Nueva Ecija – Aurora Road sa Barangay Homestead 1, bayan ng Talavera, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Tatlong bala ng baril tumama at namatay habang ginagamot sa Premiere General Hospital sa Cabanatuan City ang biktimang si Rionalito Gabao ng Barangay Basang Hamog sa nasabing bayan. Nabatid na mag-aalmusal sana si Gabao sa Danrae Eatery bago pumasok sa trabaho sa bayan ng Bongabon nang lapitan at ratratin ng di-kilalang lalaki. Kaagad na tumakas ng gunman sakay ng motorsiklo kung saan narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng baril at motorsiklo ng biktima.

Show comments