AWOL na pulis, itinumba

MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang absence without official leave (AWOL) na parak ng hindi pa nakikilalang armadong riding-in-tandem sa Tres de Abril, Brgy. Labangon, Cebu City nitong Miyerkules ng umaga.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si SPO1 Roy Tolentino, 41, residente ng C.V. Rama  Avenue, Brgy. Calamba, Cebu City. Huling nakatalaga ito sa Mobile Patrol Group ng Cebu City Police at matagal ng nag-AWOL.

Sa imbestigasyon, naganap ang pananambang sa biktima sa nasabing lugar dakong alas-7:30 ng umaga, kung saan sakay ng motorsiklo ang mga suspek at saka agad na pinagbabaril ang biktima.

Narekober naman ng mga nagrespondeng elemento ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.  Patuloy namang iniimbestigahan ang motibo ng krimen.

Show comments