Fraternity member dinedo ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 33-anyos na mi­yembro ng Magic 5 Fraternity na sinasabing tiktik ng militar at pulisya matapos itong dukutin at pagbabarilin ng mga rebedeng New People’s Army sa Barangay Valparaiso sa bayan ng San Fernando, Masbate kahapon ng umaga. Bandang alas-6 ng umaga nang dukutin at pagbabarilin ang biktimang si Daryl Crisostomo, driver ng habal-habal at nakatira sa nasabing barangay. Sa inis­yal na ulat ng pulisya, nasa loob ng bahay ang biktima kasama ang kanyang mag-ina nang pasukin ng mga armadong rebelde. Hinalughog muna ng mga rebelde ang bahay ng biktima bago kinaladkad ito palabas. Nagmakaawa naman ang mag-ina ng biktima pero tinuluyang patayin.

Show comments