CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 38-anyos na lalaki na sinasabing kakalasan ng kanyang nobya matapos itong magbaril sa sarili kamakalawa ng hapon sa Barangay Real 2, Bacoor City, Cavite. Nagbaril sa bibig na lumagos ang bala sa ulo ng biktimang si Ritche Aguas ng #561 Jasmin Street sa Luzville Subdivision. Base sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, magkasamang naglalakad ang biktima at kanyang nobyang si Jihan Villanueva nang pag-usapan ang pagkalas ng babae sa kanilang relasyon. Tumanggi naman ang biktima sa desisyon ng nobya kaya nauwi sa matinding pagtatalo hanggang sa maganap ang insidente. Nagimbal naman ang babae sa nasaksihang ginawa ng kanyang nobyo