2 tiklo sa P1.2-M shabu

Iniimbentaryo ng mga tauhan ni P/Supt. Enrico Vargas P1.2-milyong halaga ng shabu, drug paraphernalias, dalawang baril, magasine, mga bala at cash na nasamsam sa dalawang drug pusher sa Sitio Tumana, bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng madaling araw. STAR/Boy Cruz

BULACAN , Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng magkaibigan na sinasabing tulak ng droga makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na checkpoint sa Sitio Tumana, Barangay San Jose sa bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Junel Acuña, 30, negosyante, ikalawa sa listahan ng drug watchlist; at Christoper Juan, 29, cock breeder at kapwa nakatira sa nasabing bayan. Base sa police report, ang dalawa ay lulan ng kotseng may plakang ZNH-314 ay nasabat nagsapit sa inilatag na checkpoint bandang alas-2 ng madaling araw. Nasamsam sa mga suspek ang isang cal.9mm pistol, Uzi 9mm machine pistol,mga bala, P37,780 cash, at P1.250 milyong halaga ng shabu na nakalagay sa shoulder bag. Sa beripikasyon ng pulisya, walang kaukulang papeles ang dalawang baril na nakumpiska sa mga suspek.

Show comments