2-katao pinabulagta

Duguang nakahandusay sa kalsada ang isang di-kilalang lalaki matapos itong barilin sa ulo sa bisinidad ng Barangay Sta. Lucia, Dasmariñas City, Cavite. STAR/Cristina Timbang

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang pinabulagta sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Si Algen “Angel” Jariol, 23, ng Block 5 Lot 11 ay niratrat ng di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Atlas Compound sa Barangay H2 sa Dasmariñas City. Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 9mm pistol. Samantala, binaril naman sa ulo at napatay ang isang di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay Sta. Lucia sa Dasmariñas City, Cavite. Bandang alas-5 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ng biktima na tinatayang may edad na 25 hanggang 30 na naka-brown short pants at abuhing sando. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ang cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments