MANILA, Philippines - Sugatan ang 48-anyos na doktor na hepe ng provincial health office matapos itong tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Baritao, bayan ng Manaoag, Pangasinan noong Miyerkules ng gabi.
Kasalukuyang nasa Nazareth Hospital sa Dagupan City ang biktimang si Dr. Jeremy Rosario, dating Board member ng 4th District ng Pangasinan, at officer-in-charge ng Mapandan Community Hospital.
Sa ulat ni P/Chief Supt. Reynaldo Biay na isinumite sa Camp Crame, naganap ang pananambang habang lulan ng Toyota Avanza (SFH 778) ang biktima bandang alas 6:57 ng gabi.
Tumama ang bala ng baril sa kanang bahagi ng bintana at unahang bahagi sa upuan ng driver’s seat kaya nasugatan ang biktima sa kaliwang balikat.
Nagawa pa ring magmaneho ng biktima patungo sa Mapandan Community Hospital habang mabilis namang nagsitakas ang gunmen patungo sa Brgy. Poblacion.
Narekober sa crime scene ang mga bala ng cal. 45 pistol.