5 arestado sa drug bust

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Lima-katao ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na operasyong isinagawa laban sa nagtutulak ng bawal na droga sa Ilocos Norte at Isabela kamakalawa. Arestado sa buy-bust operation sa Brgy. Sta. Rosa sa Laoag City, Ilocos Norte ang suspek na si Clarence Tangonan na naaktuhang nagbebenta ng 6-plastic sachet ng shabu. Ayon kay P/Supt. Jeffrey Gorospe,  hepe ng Laoag City PNP, naaresto rin ang tatlo pang suspek na sina Frederick Aguinaldo Jr., Roderick Agustin, at si Sammy Sampayan matapos maaktuhan sa pot session sa bahay ni Tangonan. Samantala, arestado rin si Oliver Binasoy matapos masamsam ang pitong plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia sa inilatag na drug bust operation sa kanyang bahay sa Barangay Magsaysay, bayan ng Naguilian, Isabela. Ang operasyon ay isinagawa kasunod ng search warrant na inisyu ni Judge Rodolfo Dizon ng Regional Trial Court.

Show comments