Killer ng pinsan ni Gov. Villafuerte sumuko

LEGAZPI CITY, Philippines – Sumuko na ang pangunahing suspek sa pamamaril sa pinsan ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte kay Albay Provincial Director PSSupt. Marlo Me­neses kahapon ng umaga sa loob ng Camp Simeon Ola sa lungsod na ito.

Kinilala ang suspek na si Manny Rey, 40-anyos, residente ng Brgy. Dayangdang, Naga City.

Batay sa ulat na ang biktimang kinilalang si Jeff Villafuerte ay nakaalitan ng suspek sa loob ng sabungan sa Milaor Cockpit Arena noong Marso 2 dakong alas-2 ng mada­ling araw.

Nabatid na pinagbabaril ng suspek ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan matapos ang mga itong magtalo sa sa­sabunging manok kaugnay ng isinasagawang derby sa lugar.

Samantalang, upang mapabilis ang pagresolba sa krimen ay nagpalabas ng reward na cash si Gov. Villafuerte para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng suspek.

 

Show comments