CAVITE, Philippines – Napatay ang 30-anyos na tirke driver matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa paradahan ng mga sasakyan kamakalawa ng gabi sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Regman Barry ng Blk 20 Lot 1 phase 9, Dasma 4 Golden City Subd. sa nasabing barangay. Base sa police report, lumilitaw na nakapila ang biktima sa terminal ng mga traysikel habang naghihintay ng pasahero nang lapitan at barilin sa ulo. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 9 mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.