^

Probinsiya

Jailbreak: 1 utas, 4 preso nakapuga

Rhode­rick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang isang preso at tatlo naman ang nasugatan habang apat ang nakapuga sa naganap na madugong jailbreak sa Malapatan District Jail sa Sarangani kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni C/Insp. Robert Gabayeron, hepe ng Malapatan PNP ang napatay na preso na si Mod Lakim ng Purok Islam na may kasong robbery habang nakapuga naman sina Ronald Uppos, 23, may kasong pagnanakaw; Roberto Carapayko, 21, kapwa prisoner trustees; Gerald Lipasan may kasong carnapping; at si Romnick Poster na may kasong murder at pawang nakatira sa bayan ng Malungon.

Patuloy na ginagamot ang mga sugatang bilanggo na sina Jerry Bellota, 31, may kasong theft; Jerald Caballes, 19, may kasong carnapping; at si Mitchel Macaso, 48, may kasong illegal na droga at mga nakatira sa mga bayan ng Glan at Malungon.

Nabatid na nakarinig ng dalawang putok ng baril ang mga pulis mula sa district jail at Malapatan Police Station na magkatabi lamang.

Rumesponde ang mga awtoridad kung saan inabutan nilang nag-aagawan sa baril sina Jail Officer Sofreme Author at ang dalawang trustee na mga bilanggo.

Ayon sa report, nagawang maagaw ng dalawang preso ang baril at susi kaya nagawang makalabas ng iba pang preso na pinaputukan ang mga pulis habang papatakas.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad kung saan napatay si Lakim habang tatlo naman nasugatan. Sa follow-up ope­rations, nasakote naman sina Lipasan at Poster habang patu­loy ang pagtugis sa dala­wang preso.

GERALD LIPASAN

JAIL OFFICER SOFREME AUTHOR

JERALD CABALLES

JERRY BELLOTA

KASONG

MALAPATAN DISTRICT JAIL

MALAPATAN POLICE STATION

MALUNGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with