^

Probinsiya

Drug den ni-raid: 3 todas, 17 arestado

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Tatlo-katao na pinaniniwalaang notor­yus drug pusher ang napatay habang 15-lalaki at dalawang babae  naman ang nasakote matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang isang bahay na ginagawang drug den sa Barangay Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga.

Kasalukuyang bineberipika ng pulisya ang tunay na pagkakakilanlan ng tatlong napatay na may mga alyas Michael, Pogi at Alyas Lingko habang isinailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek kabilang na si Daisy Alayon, ka-live-in ng may-ari ng drug den na si Amir “Tangkad” Minda.

Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Charlie Cabradilla, sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Amir Minda sa Kalye Demonyo matapos magpalabas ng search warrant si Judge Ramon Pamular ng Guimba Regional Trial Court Branch 32, Nueva Ecija.

Papasok pa lamang sa eskinita ang mga operatiba ng pulisya ay natunugan na ito ng mga alipores ni Minda kaya sumiklab ang bakbakan hanggang sa mapatay ang tatlo.

Nasamsam sa mga suspek ang 36 plastic sachet na shabu, apat na digital weighing scale, mga drug paraphernalia, cal.45 pistol, cal. 9mm psitol, dalawang cal.22 revolver, dalawang cal. 38 revolver, dalawang cal. 22 rifle na may silencer, mga samurai, mahabang kris at labing-apat na motorsiklo na ginagamit ng mga suspek sa kanilang modus operandi.

Sa tala ng pulisya, lumilitaw na napatay ng mga tauhan ni Minda ang dalawang pulis na sina PO1 Freddie Claro at PO2 Arsil Nasir noong Oktubre 2014 habang naglalakad sa kahabaan ng Kalye Demonyo na sinasabing pugad ng mga drug pusher.

ALYAS LINGKO

AMIR MINDA

ARSIL NASIR

BARANGAY MINUYAN PROPER

CHARLIE CABRADILLA

DAISY ALAYON

FREDDIE CLARO

KALYE DEMONYO

MINDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with