Batang dinukot ng Abu, pinalaya
MANILA, Philippines – Pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf ang siyam na taong gulang na totoy na dinukot sa Sulu, ayon sa militar kahapon. Kinilala ni Captain Rowena Muyuela, Army’s regional spokesperson ang biktima na si Eljun Esteven Marzo. Bandang alas-4:10 ng hapon nitong nakalipas na dalawang araw ng pakawalan ang bata sa bahagi ng Sitio Kuppong, Barangay Paligue sa bayan ng Indanan. Si Marzo ay binihag noong Enero 6 habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Asturias sa bayan ng Jolo, Sulu. Wala namang impormasyon ang militar kung may kapalit na ransom ang pagpapalaya sa bata na isinailalaim sa medical examination bago dalhin sa kaniyang mga magulang. Patuloy naman ang search and rescue operations ng Joint Task Group Sulu na pinamumunuan ni Col. Alan Arojado sa mga nalalabi pang bihag ng mga bandido.
- Latest