Piskal nagbaril sa sarili, patay

File photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang naging desperado sa trabaho ang batikang piskal matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Roxas, bayan ng Solano, Nueva Viscaya kahapon ng umaga.?

Sa inisyal na ulat ng pulisya na isinumite kay P/Chief Insp. Kevin Balayugan, hepe ng Solano PNP, kauuwi lang ng biktimang si Atty. Samuel Dacayo para mananghalian nang isagawa nito ang kusang pagsalubong kay kamatayan.

Kinumpirma naman ng isa sa miyembro ng Konseho na tumangging ipabanggit ang pangalan na ang biktima ay nagpakamatay.

Naisugod pa ng kanyang misis sa  MMG Hospital subalit namatay din dahil sa matinding tama sa ulo.

Nabatid na ang biktima ay nakatalaga sa regional trial court sa Provincial Prosecutors’ Office sa ba­yan ng Bayombong at sinasabing pinsan ni Solano Mayor Philip Dacayo.?

Napag-alamang bago maganap ang insidente ay may nakatakdang court hearing ang biktima sa Bagabag Municipal Trial Court subalit nabigo itong dumalo.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang motibo ng biktima para mag-suicide.

Show comments