Van vs motorbike: 2 dedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos salpukin ng van ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Villa Laida, bayan ng Tuao, Cagayan kamakalawa. Ayon kay PO3 Jonathan Corpuz, naisugod sa Nuestra Señora de Piat District Hospital subalit idineklarang patay sina Adriano Joven at Jay-ar Baltazar habang sina Dante Fernandez at Mark Marzan ay nakikipaglaban kay kamatayan sa Cagayan Valley Medical Center. Lumalabas sa imbestigasyon na magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktimang pauwi na mula sa pakikipag-inuman  nang salpukin ng van sa gilid ng highway. Hindi naman huminto ang van para tulungan ang mga biktima.

Show comments