NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang warehouse ng Tony Ko Rice Mill sa General Santos Drive, Barangay Zone III, Koronadal City, South Cotabato kamakalawa ng hapon. Ayon kay Fire Officer 1 Ricky Villacura ng Bureau of Fire Protection - Korondal, bandang alas-6:30 ng hapon ay tinupok ng apoy ang bodega ng busal ng mais na inuupahan ng Kikono Corporation na pag-aari ng mga Taiwanese.Tumagal ng dalawang oras bago maapula ang apoy matapos rumesponde ang mga pamatay-sunog mula sa mga bayan ng Tupi at Banga.Wala namang sugatan o namatay sa nasabing sunog habang patuloy naman ang imbestigasyon.