NUEVA ECIJA, Philippines – Napatay ang dalawang notoryus na holdaper matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Brgy. Digmala sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija noong Lunes ng umaga. Kinilala ang dalawa na sina Oliver Moga, 37, ng Brgy. San Isidro, bayan ng Laur; at Jeffrey Garcia, 35, ng Brgy. Talipapa at mga miyembro ng Azarcon Gang na may linyang gun-for-hire at robbery/holdup sa nasabing lalawigan. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Crizaldo Nieves, bago maganap ang shootout ay niratrat at napatay ng dalawa ang magsasakang si Raymundo Nicolas sa nasabing barangay. Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng 703rd Infantry Brigade ng Philippine Army, 4th Maneuver Platoon ng Provincial Public Safety Company at ng Bongabon PNP kung saan napatay ang dalawa.