Bunso binaril ni utol

SAN JOSE CITY, NUEVA ECIJA, Philippines – Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang mister matapos itong mabaril ng panganay na kapatid matapos ang  mainitang pagtatalo sa lupang minana ng mga ito sa kanilang mga magulang sa Zone 2, Brgy. Palestina ng lungsod.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni City Mayor Marivic Belena nakilala ang biktima na si Narciso Obra Batugal Sr., 58, residente ng Escobar St., Brgy Don Canuto Ramos dito at ang suspek ang panganay na kapatid na si Menelio, Sr., 77, residente rin sa lugar.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Apolinario Tolentino na dakong alas-7:25 ng umaga na kasama ng biktima ang iba pang kapatid na sina Pablo, Felomino Batugal, at anak na si Christian  at pamangkin na si Joylyn Batugal na gumagawa ng bakod sa minanang lupa noong dumating ang salarin at pigilan ang mga ito.

Nagkaroon na mainitang pagtatalo ang mag-utol hanggang umuwi ng bahay ang kuya at kumuha ng baril at noong bumalik ay agarang pinaputukan ang biktima na isugod sa Heart of Jesus Hospital dahil sa tama sa balikat.

Sinampahan na ng kasong frustrated homicide ang suspek na kaagad naaresto.

Show comments