GRO todas sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Hindi na umabot sa pagdiriwang sa Araw ng mga Puso ang isang 22 anyos na Guest Relations Officer (GRO) na sumama sa kaniyang  kustomer pagkaraang maaksidente  ang sinasakyan ng mga itong tricycle  sa highway ng Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela  kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Sr. Insp. Edwin Castro, hepe ng Naguilian Police ang nasawi na si Bernadette Alperes samantalang nasa malubha naman ang sinamahan nitong sina  Gil Villanueva 33, at Leonardo Bruno 47, na kapwa residente ng Barangay Minallo. Sinisiyasat pa rin ng pulisya kung ano ang sanhi ng salpukan ng sinakyang tricycle ng mga biktima at kasalubong na truck na minamaneho naman ni Oscar Paguirigan. Sumuko naman sa mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang driver ng truck matapos ang insidente.

Show comments