No. 4 most wanted, utas sa shootout

 File photo

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang itinuturing na No. 4 most wanted na kriminal matapos siyang kumasa at makipagbarilan sa mga umaarestong operatiba ng pulisya sa Brgy. Dinuan, Salug, Zamboanga del Norte kamakalawa.

 Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Benjamin Magalong, kinilala ang napaslang na suspek na si Raffy Sowa.

 Bandang alas-5:45 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang mga ele­mento ng Zamboanga del Norte CIDG at Salug Police sa nasabing lugar.

 Armado ng warrant of arrest na inisyu ng korte, nagtungo sa natukoy na pinagtataguan ng suspek ang mga awtoridad.

 Gayunman, sa halip na sumuko ang suspek ay agad umanong binunot ang naka­tago nitong cal .38 revolver na nauwi sa barilan sa pagitan ng magkabilang panig.

 Sa palitan ng putok ay agad nasapul ng mga tama ng bala ang suspek na siya nitong ikinamatay.

 Sa tala ng PNP-CIDG, si Sowa ay nakatala bilang No. 4 most wanted na kriminal sa bayan ng Salug kaugnay ng 2 counts ng kasong murder at malversation of public funds.

Show comments