Mister tinodas ng tandem

CAVITE , Philippines– Pinaniniwalaang onsehan ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 43-anyos na mister ng riding–in-tandem gunmen sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan ang biktimang si Adan Ibanes ng #68 Capt. Jose Street sa Barangay Hulugan 1 sa nasabing bayan. Nabatid na nakaupo ang biktima sa kaniyang motorsiklo nang biglang lapitan at ratratin. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng baril habang patuloy ang pagsisiyasat.

 

Show comments