CAMARINES NORTE, Philippines – Nalambat ng Anti-Narcotics agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Bicol) ang isang 28 anyos na hinihinalang drug pusher kasunod ng pagkakasamsam ng P. 2 M shabu sa drug buy-bust operation sa Brgy Bonot, Legaspi City kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni PDEA Bicol Director III Archie A. Grande, ang suspek ay nakilalang si Roque Ebete, 28-anyos ng Purok 5, Bonot ng nasabing lungsod.
Dakong alas-4:45 ng hapon nang ikasa ang buy-bust sa suspek matapos na magpanggap na poseur buyer ng shabu ang isang ahente ng PDEA. Hindi na nagawang makapalag ang suspek ng ito ay biglang arestuhin at nakuha sa kanyang pag iingat ang umaabot sa 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000.