Kagawad pisak sa bato, 3 pa sugatan

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Napisak ang katawan ng isang 59 anyos na konsehal samantalang sugatan naman ang tatlong barangay tanod  matapos na magulungan  ng malaking tipak ng  bato na bumigay sa gilid ng kabundukan sa KM46 Paoay, Atok, Benguet kamakalawa. Sa ulat ng PNP Atok, dead-on-arrival si Brgy. Kagawad Sandy Bay-an Etiw ng nasabing lugar. Isinugod naman sa Benguet General Hospital si Ramon Colting habang sa Atok District Hospital naman sina Sotero Binay-an at Joel Banglay Pablo. Lumalabas sa imbestigasyon na kasalukuyang nililinis ng mga biktima ang isang pathway sa kabundukan kung saan ay isang proyekto ng gobyerno ang isasagawa sa lugar subalit bumigay ang malaking tipak ng bato sa kanilang kinalalagyan.

Show comments