^

Probinsiya

3 NPA officers, timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umiskor ang tropa ng militar kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong matataas na opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang mag-asawa sa magkakahiwalay na operasyon sa Eastern Mindanao kamakalawa.

Sa ulat ni Major Gen. Eduar­do Año, Commander ng Army’s 10th Infantry Division (ID), dakong alas-3:20 ng hapon ng masakote ang mag-asawang rebeldeng opisyal sa raid sa Brgy. Sinaragan, Matanao, Davao del Sur.

Kinilala ang mga ito na sina  Ramil Mortejo, guma­gamit ng mga alyas na Ka Nestor at Angkol,  tumatayong Commanding Officer ng Samahang Regional Guerilla Unit sa Southern Mindanao Regional Command ng NPA at Jasmine Badilla, alyas Ka Antali, pinuno naman ng Regional Medical Staff.

Inaresto si Mortejo sa kasong kidnapping at serious­ illegal detention at robbery with violence naman si Badilla base sa warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 11 ng Branch 3 ng Nabunturan, Compostela Valley.

Nakumpiska mula sa mga ito ang isang Improvised Explosives Device, isang M33 fragmentation grenade at isang cal. 45 pistol.

Sa isa pang insidente, ayon naman kay AFP Eastern Mindanao Spokesman Major Ezrah Balagtey, arestado naman ng Army’s 403rd Infantry Brigade sa Valencia City ang isa pa na si Reboy Gandinao, Commanding Officer ng NPA Sangay ng Partido sa Platoon sa Bukidnon bandang alas-3 ng hapon kamakalawa ka­ugnay ng kaso nitong murder at multi frustrated murder.

Nakuha mula rito ang isang cal. 45 pistol, isang magazine na may lamang bala at isang cellular phone.

COMMANDING OFFICER

COMPOSTELA VALLEY

EASTERN MINDANAO

EASTERN MINDANAO SPOKESMAN MAJOR EZRAH BALAGTEY

IMPROVISED EXPLOSIVES DEVICE

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

ISANG

JASMINE BADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with