^

Probinsiya

Killer ng brodkaster, habambuhay kulong

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Habambuhay na pagka­bilanggo ang hatol ng mababang hukuman laban sa akusadong pumatay sa  48-anyos na brodkaster sa Iriga City noong Hulyo 9, 2010. Sa 11-pahinang desisyon ni Judge Timoteo Panga Jr. ng regional trial court Branch  60, pinatawan ng habambuhay ang akusadong si Eric Vargas na pangunahing suspek sa pagpatay kay Miguel “Mike” Belen ng dwEB-FM Iriga City. Bukod sa habambuhay na hatol ay pinagbabayad din si Vargas ng P50,000 sa naulilang pamil­ya ni Belen bilang exemplary damages. Nabatid na si Belen ay na-confine ng isang buwan sa ospital bago mamatay. Kasalukuyan naman nakalalaya pa ang kasama ni Vargas na si Gina Bagazina. Awtomatiko namang isusumite sa Court of Appeal bago sa Supreme Court ang apela ni Vargas para maging final ang desisyon.

AWTOMATIKO

BELEN

BUKOD

COURT OF APPEAL

ERIC VARGAS

GINA BAGAZINA

IRIGA CITY

JUDGE TIMOTEO PANGA JR.

SUPREME COURT

VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with