3 patay sa motorbike crash

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang namatay habang isa naman ang kritikal sa naganap na magkahiwalay na motorbike crash sa mga bayan ng Lallo at Buguey, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang dalawang namatay na sina Edward Asuncion, 38, kawani ng lokal na pamahalaan ng Buguey; at Noli Salvador. Sa ulat ni PO3 Arnel Tamanu, nagsalpukan ang motorsiklo nina Asuncion at Salvador sa kahabaan ng highway sa Barangay Leron sa nasabing bayan kamakalawa ng gabi. Naisugod sa magkahiwalay ng ospital ang dalawa subalit kapwa idineklarang patay. Sa bayan ng Lallo, namatay din ang 41-anyos na si Jerry Usabal  matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa konkretong pader sa kurbadang bahagi ng Barangay Bangag habang kritikal naman ang angkas na si Noel Malanot. Ayon kay SPO1 Gerardo Conde Jr., kapwa lango sa alak sina Usabal at Malanot mula sa inuman nang maganap ang sakuna.

Show comments