MANILA, Philippines - Napatay ang 27-anyos na misis makaraang pagsasaksakin ng seloso nitong lover sa Barangay Lopoc, bayan ng Labason, Zamboanga del Norte kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Jecil Salundagi habang sumuko naman sa pulisya ang driver na suspek na si Melgray Obido, 33.
Base sa police report na isinumite kay P/Inspector Dahlan Samuddin, PNP regional spokesman, naganap ang krimen sa bahay ng magka-live-in.
Magkatabing natutulog ang magka-live-in ng sunud-sunod na tumunog ang cellphone ng biktima kaya magmamadali itong bumangon at binasa ang text messages ng lover nito.
Tinanong ng suspek ang biktima kung saan inagaw nito ang cellphone sabay na binasa ang text message ng lover nito.
Sumiklab ang mainitang pagtatalo hanggang sa pagsasaksakin ng suspek ang biktima.
Samantala, nasugatan naman sa braso ang biyenang babae ng biktima nang tangkaing pigilan sa pananaksak ang suspek.